Abante Tonite Interactive

‘Proof of parking’ bill, hindi hadlang para bumili ng sasakyan – Win

216

Hindi magiging hadlang ang proof of parking bill para mabili ng konsyumer ang kanilang dream car, bagkus ay mas mapagtitibay nito ang kultura ng responsible vehicle ownership ng mga Filipino.

Ito ang binigyang-linaw ni Senador Sherwin Gatchalian, ang may-akda ng Senate Bill No. 368 o Proof-of-Parking Space Act.

Intensiyon ng panukala na maging responsable ang motor vehicle owners na maglaan ng kani-kanilang parking space para sa kanilang mga sasakyan.

Ito ang pinaniniwalaang magiging solusyon sa masisikip sa kalsada at maging ng matinding trapik sa Metro Manila.

“This bill is quite basic – kung wala kang paradahan you will not be allowed to register your car. This means we’re now giving emphasis on the responsibility of the car owner to make sure he has his own garage before he purchases a car, so this bill is aimed to help in the alleviation of our traffic situation,” ayon kay Gatchalian.

“The focus of the bill is not to prevent car owners to buy cars – you can buy as many cars as you want as long as you have your own parking space and do not park on the road,” paliwanag pa niya.

Batay sa tala ng Land Transportation Office, aabot sa 11.6 million ang may-ari ng motor vehicles nito lamang 2018.

Sa ilalim ng Proof-of-Parking Space Act, aatasan ang Land Transportation Office, Metro Manila Development Authority at local government units na magsagawa ng frequent ocular inspections ng major at minor thoroughfares sa National Capital Region nang sa gayon ay maalis na ang mga iligal na naka-park na sasakyan at maparusahan din ang vehicle owners na mapatutunayang hindi sumusunod sa batas. (Anne Lorraine Gamo)