Abante Tonite Interactive

`Proof of payment’ pwede sa DOLE cash aid

640

Hindi na kinakailangan pang magsumite ng company payroll ang mga employer na maghahain ng aplikasyon para sa tulong pinansiyal na pinagkakaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga kawani sa informal sector na apektado ng enhanced community quarantine.

Ipinahayag nitong Miyerkoles ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na batay aniya kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang anumang proof of payment para sa sweldo ng mga empleyado ay maaari nang ipakita.

Una nang sinabi ni Bello na makatatanggap ng one-time cash assistance na P5,000 ang mga manggagawa sa informal sector na apektado ng health crisis sa COVID-19.

“Sec. Bello also announced that the DOLE is no longer strictly requiring the submission of the company payroll in the establishment report. Any proof of payment of salaries and wages will be sufficient compliance with the requirement,” sabi ni Nograles sa kanyang press briefing. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad