Abante Tonite Interactive

Property ni lolo inaangkin ng kamag-anak

288

Good day po Atty. Claire:

May pinadala po ka­sing notice ang munisip­yo sa amin, maiilit na raw po ng government ang 4K sq meter pro­perty ng lolo ko if ‘di pa rin mabayaran ang amilyar next year.

My grandfather just passed away last month. We didn’t even know na may natitira pa s’yang property. So nag-inquire po kapatid ko sa munisip­yo and he actually was able to get a certified true copy of the land title.

Pinuntahan po n’ya ‘yung place, may nakatayo pong bahay dun at kamag-anak din po namin sila. Kanila raw po ‘yung property.

Pinagtataka po namin, if ever man nabenta na ‘yun sa kanila ng lolo ko back then, bakit po nakapangalan pa rin sa lolo ko ‘yun at kami pa rin ang sini­singil sa amilyar? May possibility po bang kami pa rin ang legit na may-ari nu’ng property if ‘di na-transfer sa name nila ‘yung title? Thank you po.

Salamat po,

Nina

Ms. Nina:

Alamin mabuti kung totoo na nabenta ng lolo mo. May mga pagkakataon kasi na ang akala ng mga bumili ay sapat na ang isang kasulatan ng bilihan at hindi iniisip na kailangan pang ilipat ito at magbayad ng buwis para sa pagpapalipat ng ari-arian. Kaya hanapin ninyo at pag-aralan ang anumang dokumento na nagsasabi na nabenta iyan ng lolo mo sa mga nakatira doon.

Marami sa ngayon ang mapagpanggap. Ipasuri ang pirma kung tunay o peke lamang.

Kung wala naman talagang bentahan na naganap ay kakailanganin ninyo na mabayaran ang amilyar at saka na lamang paalisin ang mga nakatira kung gagamitin n’yo na ang lupa.

Kung nabentang tunay ay ipaalam sa kanila ang kanilang obligasyon na bayaran ang amilyar kung hindi mababayaran ay talagang maiilit o mafo-foreclose ito ng lokal na pamahalaan.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245 o 514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.