Abante Tonite Interactive

Proposal ni Jake kay Maxine kinakiligan

565

By Roldan Castro

Inabangan ng mas maraming Pilipino ang mga maiinit na eksena ng Kapamil-ya seryeng “Los Bastardos,” kaya naman humataw ito sa bago nitong all-time high national TV rating noong Biyernes (Mayo 17).

Nagtala ang serye ng national TV rating na 19.6%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Tinutukan ng mga tagasubaybay ang episode kung saan nagtulong-tulong ang magkakapatid na Cardinal upang iligtas si Soledad (Gloria Diaz) mula sa kapahamakan nang itulak siya ni Matteo (Marco Gumabao) mula sa abandonadong gusali.

Tuloy-tuloy namang kinapitan ang serye hanggang Lunes (Mayo 20), na ipinakita naman ang madamdaming pag-aya ni Isagani (Jake Cuenca) ng kasal sa kasintahang si Isay (Maxine Medina). Lubos na kinikiligan ang eksena na umani pa ng sari-saring papuri mula sa mga netizen.

“Gani! Mula nang umamin sila sa nararamdaman nila at nag-away, doon natanggap ni Isagani na hindi niya kaya mawala muli si Isay,” sabi ng Twitter user na si @gotkatzy.

“OMG! Naiiyak ako and kinikilig habang pinapanood ang proposal ni Isagani kay Isay. Isay and Gani forever,” ani YouTube user Pamela34.

Samantala, panibagong laban nga ang haharapin ng magkakapatid na Cardinal sa pagdating ni Catalina (Jean Saburit), na magdadala ng kaguluhan sa kanilang buhay. May buhay nga ba uling malalagay sa panganib?

Panoorin ang “Los Bastardos” tuwing hapon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Kadenang Ginto.”