Abante Tonite Interactive

Proposal ni Luis kay Jessy inaabangan

232

Inaabangan naman ng marami ang pagpu-propose ni Luis Manzano sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola, gayundin si Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado, maging si Tom Rodriguez sa kasintahan nitong si Carla Abellana.

Inaabangan na rin ang kasalang magaganap sa pagitan nina Angel Locsin at Neil Arce, Aicelle Santos at Mark Zambrano at sina Sheena Halili at fiancé nitong abogadong si Jeron Manzanero bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Sa December 21, 2019 naman magaganap ang kasal ng engaged couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz na gaganapin sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila.

Rhen palaban

Dumating na rin kay Rhen Escaño ang matagal na niyang hinihintay na break sa pelikula. Ito’y sa pamamagitan ng erotic thriller movie na “Adan” na pinagbibidahan nila ng dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda.

Ito’y mula sa panulat ng writer-director na si Yam Laranas at direksyon ni Roman Santillian Perez, Jr. at magkakasamang prinodyus ng Viva Films at Alliud Entertainment.

Si Rhen ay isa sa mga discovery ng yumaong star builder at Master Showman na German ‘Kuya Germs’ Moreno sa kanyang late night program na “Walang Tulugan with the Master Showman”.

May pagka-sexy at daring ang tema ng pelikula pero parehong naging palaban sina Rhen at Cindy. ‘Yan umano ang hinihingi ng kanilang respective roles sa movie.