Abante Tonite Interactive

Proseso ng pag-ampon

422

Atty. Claire Castro

Dear Attorney Claire,
Good day po. Magtatanong lang po ako kung paano ang mga hakbang o procedure kung papaano magiging legal ang pag-ampon sa isang bata. Halimbawa po, may nakuha kaming sanggol at amin siyang inalagaan at gusto namin na maging legal ang pag-ampon namin sa kanya.

Lubos na gumagalang,
Caloy

Abante Hiring – IT dep

Dear Mr. Caloy,
Kapag po may balak kayong ampunin na bata ay makipag-ugnayan kayo sa social worker o DSWD na siyang magsasagawa ng child study report para malaman kung ang bata ay qualified ninyong ampunin at kung kayo rin naman ay qualified na mag-adopt. Ang DSWD ang siyang kikilos upang mapadeklara ang bata na abandoned child or foundling at qualified na ampunin kung sakali na hindi ninyo kadugo ang bata at ibi-nigay lamang sa inyo ng mga magulang nito.

Kailangan ninyo rin na magkaroon ng consent o pag-ayon ng mga tunay na magulang ng bata kung kilala ninyo ngunit kung walang tumayong magulang ay ang social worker o DSWD ang siyang magsasagawa ng child study at home study upang makompleto ang hina-hangad na pag-ampon. Ang DSWD o social worker ang magiging testigo upang maipakita ang inyong qualification pati ng bata para masang-ayunan ng korte ang Petition for Adoption. Kung may mga anak naman kayo na ang edad ay 10 pataas ay kakailanganin na rin ang kanilang pagsang-ayon sa kagustuhan ninyong mag-ampon.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.