Abante Tonite Interactive

Proseso sa pagre-release ng permit pinabilis sa Parañaque

0 267

Inilunsad kahapon ang Project Express Lane Operation (ELO) 2.0 sa Parañaque City na kauna- unahang lokal na pamahalaan sa buong bansa na sumunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang simplehin at pabilisin ang proseso ng pagrerelease ng mga permit at lisensiya.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na kasama sa Project ELO 2.0 ang unang computerized Occupational Permit system ng bansa na bahagi ng kanyang nagpapatuloy na automation program.

Ito ang unang local government unit (LGU) sa bansa na naisama ang barangay business clearance sa kanilang BOSS (One Stop Shop) operations sa city hall para sa pangkalahatang pagtalima sa RA 11032 o Ease of Doing Business Act.

Ang Project ELO 2.0 ay second phase ng Project ELO na inilunsad nitong Enero.

Ayon kay Olivares, hindi na kailangan ng mga may ari ng negosyo na magtungo sa barangay para mag-apply ng barangay clearance.

“This is a game changer. This should boost our ongoing efforts to digitize and computerize all our systems,especially those involving applications for business and work permits, which will enhance investor confidence and improve service delivery,” ani ni Olivarez.

Ayon kay Atty. Melanie Malaya, pinuno ng Business Permits and Licensing Office, sa ilalim ng proyekto na kailangan lamang punan ng occupational permit applicants ang isang application form na sakop ng work permit, sanitary o health permit, at police clearance.

“There will also be a single assessment and one payment made to the City Treasurer’s Office, capped by the issuance of one unified permit, clearance identification card called the Parañaque HELP card,” ani ni Malaya. (Armida Rico)