Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prosper inalerto Gilas vs Korea

0 460

Hindi naiwasan ni dating Philippine Basketball Associaiton import Lester Prosper na magbahagi ng kanyang mga napapag-alaman sa 30th International Basketball Federation Asia Cup third and last window qualifier sa Clark Freeport sa June 16-20, kabilang ang pag-alerto sa host na batang Gilas Pilipinas na dalawang ulit makakasalpukan ang South Korea.

“I heard Korea is doing a coaching change but that’s not a handicap,” pagbabalita Biyernes ng dating San Miguel Beer at Terrafirma import, na unang binalaang reresbakan ang PH quintet sa pagtimon sa Indonesia bilang naturalized player.

SM food to go Banner Ad

Tinambakan ng Gilas ang Indonesians noong February 2020 sa Jakarta sa unang pagtutuos 100-70 patungo sa rematch sa June 19.

“From the first to the last man, they’re all shooters and they’ve got Ricardo Ratliffe for inside presence. They play at a rapid pace,” wakas na sambit ng 32-year-old, 6-foot-9 center sa mga Koreano. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.