Abante Tonite Interactive

Prosti pumalag sa sex trip ng Army

By
2,551

Binitbit sa presinto ng mga pulis ang isang mi­yembro ng Philippine Army (PA) matapos na ireklamo ito ng babaeng isinama niyang mag-check in sa isang lodging inn sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Julius Caesar Domingo, commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong alas-10:30 ng umaga nang arestuhin ang 36-anyos na si Private First Class Renante Briones, na taga-Mandaue City, sa loob ng Room 23 ng La Flecha Inn na matatagpuan sa panulukan ng Rizal Avenue at Remegio Street sa Sta. Cruz.

Nabatid na inireklamo ang suspek ng ‘di na pina­ngalanang ­babae matapos na bayaran ito para maki­pagtalik sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Pero pinipilit umano ng suspek na gumamit pa ng shabu ang babae sa loob ng inokupa nilang ­kuwarto.

Kaugnay nito, nakatanggap ng tawag ang ­Alvarez Police Community Precinct mula sa natu­rang babae at isinumbong umano nito na pinipilit siyang pagamitin ng iligal na droga sa loob ng kanilang nirentahang kuwarto sa nasabing lod­ging inn.

Inatasan naman ni Chief Inspector Roy Augustus Calulot sina PO1 Rhanni Nicdao at PO1 Dharvin dela Rama na rumesponde.

Pagdating ng mga pulis ay binuksan ng babae ang kanilang kuwarto at doon naaktuhan ang suspek na nakaupo sa ibabaw ng kamay, may hawak na isang pakete ng shabu at may katabi pang mga drug paraphernalia katulad ng aluminum foil at dalawang disposable lighter.

Dinala ng mga pulis sa presinto ang suspek na sundalo at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.