Abante Tonite Interactive

Prostitution den sa Makati, 10 taon ‘untouchable’ – NBI

By
1,835

Ibinunyag kahapon ng National ­Bureau of Investigation (NBI) na mahigit 10 taon diumanong namayagpag ang operasyon ng isang prostitution den sa Bautista St., Brgy. Pala­nan, ­Makati City na kanilang sinalakay noong ­Miyerkoles.

Inihayag ito ni NBI Deputy ­Director at Spokesman Ferdinand Lavin nang iharap sa media ang mga naaresto sa kanilang pagsalakay na kinilalang sina Edwin Bayona, Alfredo Valenzona, ­Richard Cahusay, Agustin Ramirez at Charlie Quiobe.

Si Bayona diumano ang manager ng casa habang nagsisilbing bugaw ng mga menor de edad ang iba pang naaresto.

May 28 babae na pawang menor de edad ang nasagip ng mga opera­tiba ng Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng NBI nang sala­kayin ang casa.

Mga dayuhan umano ang karamihan sa mga parokyano nito at umaabot hanggang P2,000 ang ‘bigayan’ sa bawat menor de edad.

Ayon sa NBI, naging ‘untouchable’ ang may-ari ng prostitution den kaya namayagpag ito nang mahigit 10 taon.

“Hindi mo mahahalatang casa siya pero maging ang mga tricycle at taxi driver ay alam ang nabanggit na lugar na casa,” ayon kay Atty. Janet Francisco, hepe ng AHTRAD.