Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Proteksiyon sa mga babae palakasin pa – Loren

0 43

Naniniwala si House Deputy Speaker Loren Legarda na kailangan pang paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas para mabigyan ng proteksiyon ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso.

Ipinahayag ito ni Legarda kaugnay ng pagsisimula ngayong Huwebes, Nobyembre 325, ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa bansa.

Ayon kay Legarda, karamihan sa mga kababaihan na naaabuso ay hindi alam ang kanilang mga karapatan.

Tinukoy ni Legarda ang datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) noong 2017 kung saan lumitaw na isa sa bawat apat na babae ang nakararanas ng physical, emotional at sexual violence sa bansa.

Habang sa datos naman ng Philippine Commission for Women, mula Marso 2020 hanggang Agosto 2021 ay umabot sa mahigit 18,000 ang naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.

Binigyang-diin ni Legarda na marami nang naipasang batas at resolusyon para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kailangan aniyang paigtingin ang pagpapatupad nito katulad ng Anti-Violence Against Women and their Children Act, Magna Carta of Women, Domestic Workers Act, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at iba pa. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.