Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Proteksiyunan ang mga hukom, piskal

0 124

Nitong mga nakalipas na panahon, maraming mga hukom, piskal at iba pang personnel ang napapatay habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa bayan.

Maraming mga abogado at iba pang miyembro ng judiciary ang pinaslang kasunod ng mga pagbabanta na may kinalaman sa kanilang trabaho. Sa talaan, may 56 hukom, piskal at mga abogado ang nasawi mula pa noong July 16, 2016.

Dahil dito, inihain sa Senado ang isang panukala na magtatayo ng Office of Judicial Marshals para matiyak ang kaligatasan at seguridad ng mga opisyal at kawani ng hudikatura.

Sa Senate Bill No. 1947 o “An Act Creating the Office of the Judiciary Marshals, Defining Its Functions and Powers, Appropriating Funds Therefor and For Other Purposes,” ang pagtatag ng Office of Judiciary na reresolba sa maraming kaso ng pagpatay ng mga court official sa bansa.

Nakakalungkot na nangyayari ito. Bahagi na sila ng tinatawag nilang ‘culture of impunity’ kaya napakahalaga na maprotektahan ang ating mga ‘guardian of justice’.

Sa ilalim ng panukala, ang Office of the Judiciary Marshalls, na mapapailalim sa Korte Suprema, ay magiging responsible sa seguridad, kaligtasan at proteksiyon ng mga miyembro, opisyal, kawani at pag-aari ng hudikatura.

Related Posts

Huwag kalimutan

Idol

Sabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa mga author ng panukala, ang nasabing tanggapa ay makikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency para palakasin ang collection at sharing intelligence information para madaling malaman ang banta sa hukom, piskal at iba pang kawani ng judiciary.

Sa halip kasi na italaga ang Philippine National Police sa judiciary, ang court marshall ang tutulong sa korte sap ag-execute ng lawfiul writs, processes at mga judiciary order.

Ang pagbuo ng Office of Judiciary Marshals ay nakahanay sa 10-point agenda ni Chief Justice Diosdado Peralta kung saan kasama ang pagpapalakas ng seguridad sa mga justices, hukom at halls of justice.

Sabi nga ni Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, kapag nagkaroon ng Judicary Marshalls, madali na mapipigilan ang mga bigtime drugs lords sa pagbabanta o pananakot sa mga hukom na humahawak ng kanilang kaso.

“Sana wala nang judges na kayang-kayang tawagan at takutin ng mga drug lord na kahit nakapiit na dyan sa bilibid, tatakutin yung mga huwes na mag-desisyon sa kanilang mga drug cases in their favor,” sabi ni Dela Rosa kanyang privilege speech.

“With the presence of these Judicial Marshals, we’ll be there to protect our esteemed judges,” dagdag pa ng senador.

Leave A Reply

Your email address will not be published.