Proteksyon laban sa lamok

592

Dumarami ang nagkaka-dengue at napakahirap puksain ang mga lamok. Hindi ka rin sigu­rado sa mga pinupuntahan mo, baka mayroon ding lamok na may dalang dengue virus.

Kaya ang magagagawa mo na lang, lalo na sa mga batang pumapasok sa paaralan o nagla­laro sa labas, lagyan sila ng proteksyon para makaiwas sa kagat ng lamok.

Karaniwang nabibili natin sa drugstores at supermarket ang mga lotion na may DEET (diethyltoluamide). Ito ay isang kemikal na ginagamit ng mga sikat na insect repellents. Safe naman siyang gamitin kahit sa mga bata pero ang iba ay naiirita ang balat kapag ipinapahid ito. Pantaboy lang ito ng lamok o proteksyon laban sa lamok pero hindi ito nakakapatay ng lamok
Kung ayaw mo ng kemikal, mayroon namang insect repellents na gawa sa halaman:

Lemon eucalyptus oil – Bumili ng lemon eucalyptus oil sa mga oilbularyo at sa mga health stores. Tatlong oras kang protektado sa lamok kapag nagpahid nito. Maaari ring paghaluin ang 1 parte ng lemon eucalyptus oil (may dropper na panghigop) at 10 parts sunflower oil para gawing pamahid na proteksyon sa balat.

Lavender – Kung me­ron kang makikitang bulaklak ng lavender, dikdikin ito at ang katas ang ipapahid sa balat. Pero dahil ‘di naman uso rito ang lavender flo­wers, puwede rin ang lavender oil. Bukod sa naprotektahan ang balat sa lamok, nakakakalma pa ito.

Cinnamon oil – Ang ginagamit sa pagkain ay puwede ring repellent sa lamok. Kailangang i­halo ang 24 drops ng cinnamon oil sa bawat 4 ounces ng tubig. Maaa­ring ipang-spray ito sa ating balat o sa damit, o sa paligid ng bahay. Huwag gumamit ng concentrated na oil dahil makakaapekto ito sa balat. Alam niyo bang ang concentrated cinnamon oil ay nakakapatay sa mga kitikiti?

Thyme oil – Maghalo ng 4 na drops ng thyme oil sa bawat kutsarita ng olive oil para ipamahid sa balat. Kung spray naman, 5 drops ng thyme oil sa 2 ounces ng tubig. May nabibi­ling thyme leaves sa palengke (tulad sa Farmer’s Market sa Cubao). Kung nasa camping ka, at mayroon kayong camp fire, magsunog ng thyme leaves at ‘di kayo lalapitan ng lamok sa loob ng isang oras.

Citronella – Paghaluin ang o­live oil (kahit gaano karami) at ang nard grass o citronella grass leaves sa isang kaldero. Pakuluan nang mahina lang sa loob ng 4-8 hours. Palamigin at salain sa isang katsa. Ang nasalang oil ay isasama niyo sa sariwang nard (citronella) grass at paku­luan ulit ng 4-8 oras. Salain ulit at ito na ang inyong citronella oil. Puwede ring bumili ng prepared na oil.

Neem oil – Haluin ang 50 to 100 milliliters ng neem oil sa tubig, oil o lotion. Puwede itong pang-spray sa katawan laban sa lamok. Huwag basta ipahid ang concentrated neem oil dahil nakakai­rita sa balat.

Tea tree oil – Sa bawat 1 hanggang 2 drops ng tea tree oil, magdagdag ng 12 drops ng olive oil o coconut oil. Huwag ipahid nang direkta sa balat ang concentrated tea tree oil.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...