Abante Tonite Interactive

Proteksyon ng mga consumer sa e-billing, isinulong

By
0 122

Isang panukalang batas ang isinulong ni Senador Leila de Lima para pahintulutan ang mga consumer na magkaroon ng opsyon sa pagkuha ng kanilang billing statement at iba pang transaction document sa mga service provider sa pamamagitan ng printed o electronic forms nang walang karagdagang bayad.

Sa Senate Bill No. 2194 na inihain ng senador, nais nitong amyen­dahan ang ilang probisyon ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines para mabigyan ng proteksyon ang mga consumer laban sa mapanlinlang na gawain ng ilang service provider.

Binanggit ni De Lima ang mga news report na sinisingil ang mga consumer ng hanggang P50 kada buwan ng mga service provi­der na Globe at PLDT Inc. kapag nais makuha ang kanilang billing statement sa tradisyonal na paraan o paper billing.

Ipinunto pa ng senador na ang mandatory e-billing na ipinatutupad ng Energy Regulatory Commission at ng ilang local service provi­der ay pagkukuwanri lamang ng pagiging pro-environment dahil nais lamang umanong ipasa ng mga ito sa kanilang mga consumer ang gastos sa pag-iimprenta ng mga billing paper.

“Requiring consumers to move from paper to electronic billing becomes merely a ploy of the service providers to shift the burden of pa­ying the costs of printing and mailing the billing statements to the consu­mers and is not entirely about the preservation and conservation of the environment as they primarily claim,” sabi ni De Lima.