Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Proteksyon ng puting liwanag

0 147

Mga ka-Misteryo malaking bagay na tayong lahat ay matuto na balutin ang ating sarili ng puting liwanag saanman tayo magtungo para sa ating proteksyon. Ngayon paano ba natin ito gagawin?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Rekumendasyon ko na gawin ang pagbabalot ng puting liwanag sa pamamagitan ng meditasyon dahil sa ganitong kalagayan ay mas malakas ang daloy ng liwanag mula sa kalangitan.

Kilala ito bilang ‘white light meditation’ kung saan habang nasa meditasyon ay tatawagin mo ang enerhiya ng Kalangitan na kilala bilang white light o puting liwanag.

Sa mga clairvoyant o mga nakakakita ng enerhiya ay malinaw itong liwanag na kanilang nakikita. Ang puting liwanag na ito ang dumadaloy sa tuwing nagbubukas ang kalangitan para sa mga namayapa. Ito rin ang bumababa kapag taimtim ang pagdarasal at ito rin ang dumadaloy para sa kagalingan ng mga may sakit.

May mga psychic na mabilis nilang matawag o ma-invoke ang puting liwanag dahil sanay na sila pero dahil marami ang hindi pa nakakaalam, mas mainam na gawin ito sa meditasyon.

Paano pa mag-meditasyon? Sa aking nalalaman, kailangan nating umupo sa tahimik na lugar, Dahan-dahan tayong huminga ng malalim ng Ilang beses hanggang sa sobrang relax na ang pakiramdam.

Gawin natin ito ng nakapikit ang mga mata para sa mas pokus na meditasyon at maaari din kayong makinig ng meditation music kung mas ok sa inyo.

Kapag nasa alpha state na tayo o meditative state, maaari na kayong mag-request ng puting liwanag mula sa kaitasan. Kailangan malinaw na nakikita natin ito sa ating mind’s eye o mata ng isipan at tatama ang puting liwanag sa crown chakra o ituktok ng ating ulo. May pakiramdam na nakikiliti ang bumbunan natin hanggang sa dadaloy ito sa buong katawan. Hayaan na balutin ito ang buo nating katauhan. Gawin ito ng walang pagdududa para mas mabisa. Isipin na laging balot ang ating katawan ng puting liwanag.

Para sa inyong mga katanungan at karanasang paranormal, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.