Abante Tonite Interactive

Proteksyon sa mga buyer

260

Dear Atty. Claire:

Magandang araw po sa inyo, magtatanong lang sana ako tungkol sa kinansela naming house and lot.

Na-acquire namin ang nasabing pro­perty noong June at nakapagbayad kami ng downpayment in cash, insurance, home owner membership at one month in house amortization.

Bale ang total amount na naibigay namin sa developer ay around P420K.

Kinausap namin ang developer para sa cancellation, at sa ngayon ay dalawang buwan na kaming tumigil sa pagbaba­yad dahil sa hindi pa nila nasisimulan ang pag-develop at dapat ay matapos ito ng December.

Bumalik po ang misis ko sa opisina ng developer upang itanong kung meron kaming puwedeng mai-refund, ang sagot nila ay wala raw dahil hindi kami nagbayad ng 24 months na downpayment at hindi raw kami sakop ng RA 6552.

Totoo po ba ito at saka paano po ba ang ligal na paraan para sa pagkakansela ng nasabing property?

Lubos na gumagalang,
Arnie

Dear Arnie:

Totoo na hindi kayo sakop ng RA 6552 o mas kilala bilang Maceda Law dahil ayon sa batas na ito ay mabibigyan ng proteksyon ang mga buyer in installment basis kapag nakapagbayad na ng 2 years installments.

Dahil sa hindi ka sakop ng RA 6552 ay ipapayo ko na ang gamitin mong batas na ayon sa sitwasyon mo ay ang Civil Code kung saan binibigyan ng karapatan ang isang party na ipawalang saysay ang kontrata kung hindi nakatupad o hindi na makakatupad ang kabilang party sa kanyang obligasyon.

Sa sitwasyon mo, kung ang developer ang may pagkukulang ay makukuha mo nang buo ang naibayad mo at maaari pang humi­ling ng interes.

Ngunit kung ikaw lamang ang aayaw sa kontrata nang walang pagkukulang galing sa developer ay maaari kang si­ngilin ng danyos para sa loss of opportunity to earn, etc.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 76 24 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.