Abante Tonite Interactive

Proteksyunan ang mga pipi’t bingi

117

Maganda ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagkuha ng mga pipi at bingi sa pag-monitor ng mga nakakabit na closed circuit television (CCTV) came­ras sa mga pangunahing lansangan ng buong Kalakhang Maynila para sa daloy ng trapiko at mga aksidenteng nagaganap dito.

Ayon kay MMDA General Manager Tho­mas Orbos, base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang mga may kapansanan sa pandinig at pananalita ay mas mataas at matalas ang kanilang ‘sense of sight’ kaya ito ang nag-udyok sa ahensya para kunin ang serbisyo ng mga persons with disabi­lity (PWDs).

Pero bago isalang ay isasailalim muna sa ma­tinding training program ng MMDA ang mga pipi at bingi at saka itatalaga sa Metro base ng MMDA.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga nakakalat na CCTV cameras na pa­wang nakakabit sa mga pangunahing lansa­ngan ng Metro Manila ang nag-mo-monitor sa daloy ng trapiko ng Metro Manila gayundin sa mga aksidente sa mga kalsada.

Saludo tayo sa inisyatibong ito ng MMDA dahil panibagong ha­mon ito sa ating mga kababayang PWDs na masyadong limitado ang napapasukang hanapbuhay dahil sa kanilang kapansanan.

Kaya sana ay maging matagumpay ang magandang hangaring ito ng MMDA sa mga PWDs upang sa gayon ay magpatuloy at lumawak pa ang pangangailangan ng mga PWDs sa ganitong trabaho upang sa gayon ay magsilbing hudyat ng panibagong karera para sa ating mga PWDs.

Kaakibat ng pagbibigay ng panibagong pag-asang makapagtrabaho ang mga PWDs ay ibigay rin sana sa mga ito ang patas na pagtrato kung hindi man ay mas bibigyang pabor ang mga ito dahil mahirap talaga ang kanilang kalagayan.

Huwag sanang gamitin ang kanilang kalaga­yan para abusuhin o pagsamantalahan sa panahon ng pagtatrabaho, bagkus ay dapat ibigay ang nararapat na kalinga at atensyon sa mga ito upang ganahang makihalubilo sa mga normal na tao upang sa gayon ay magkaroon sila ng inspirasyong ipagpatuloy ang kanilang buhay at walang iniilagan na sinuman.