Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Protektahan mga turista

0 73

Viral kamakailan ang reklamo ng grupo ng turista sa na nagpunta sa Virgin island sandbar sa Bohol kaugnay ng P26,100 halaga ng kanilang kinain na pawang mga seafood.

Kasi nga naman, 13 lang sila sa grupo pero ang halaga ng kanilang kinain ay P26K plus. Overpriced nga naman, tiba-tiba ang mga vendor sinasabi nila na marami ring inorder ang grupo kaya ganoon ang halaga.

Bakit nga masyado mahal ang presyo ng seafood sa naturang tourist hub? Imagine, isla na iyon kung saan abundant ang seafood. Kaya kung iisipin mura ang presyo kaso iba ang nangyari. Mas mahal pa nga sila kesa sa presyo sa mismong public market.

Nabasa ko sa mga ulat na may fish cartel daw na nag-o-operate sa Bohol at iyon ang tinuturong dahil kung bakit sobrang mahal ng presyo ng seafood doon.

Ang cartel ang nagdidikta kung ano magiging presyo ng kanilang mga paninda. Ang mga cartel na yan, sila yung mga grupo ng supplier na isda at iba pa pang seafood.

Kaya kapag napagkaisahan nila manatili sa mataas ang presyo nila, wala choice ang mga vendor na itaas din ang presyo nila, mataas na kasi ang kuha nila sa kanilang mga supplier.

Related Posts

Medyo maawa ka rin dun sa mga vendor sa Virgin Island kasi sila ang napagdiskitahan. Pero sa tingin mo kay pagkakamali din sila dahil sinadaya rin nilang taasan pa ng todo ang presyo. In short, sinasamantala din nila. Kasi nga naman, isla yun at wala kang makakainang na mura lang. Walang fastfood chains doon.

Isa pang pagkakamali nung grupo ng turista, hindi nila tinanong dun sa vendor ang halaga ng bawat order nila. Malamang umorder lang sila at pinaluto at hindi tinanong kung magkano ang aabutin ng halaga ng kanilang kinain.

Sa panig naman ng vendor, dapat sinasabi na nila agad ang presyo. Dapat may listahan sila ng bawat ipapaluto nila para hindi basta na lang magulat ang mga turista sa bill na kanilang matatanggap.

Sabagay, sa karanasan din natin bilang local tourist, naoobserbahan ko na medyo mataas nga naman ang presyo ng pagkain sa mga sikat na tourist destinations. Kahit nga sa Boracay, Palawan at Panglao mahal din ang presyo ng pagkain.

Matinding ang epekto sa kabuhayan ng mga taga-Panglao. Sigurado nabawasan ang turista doon kaya dapat gumawa ng kaukulang hakbang ang local government para maproteksyunan ang turistam gayundin ang kabuhayan ng mga tao rin na umaasa sa turismo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.