Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Provincial bus aarangkada sa Sept 30

0 221

Aarangkada na sa susunod na linggo ang mga provincial bus patungong Metro Manila nang magkaroon na ng `go signal’ na makabiyahe.

Ang nasabing pagbabalik ng pasada ng mga provincial bus ay kinumpirma ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra III sa isang panayam sa radyo.

Balik-biyahe na ang mga ito simula sa September 30, Miyerkoles kung saan ilalabas ang memorandum circular sa weekend.

Hindi pa naman nilalahad ng LTFRB kung lahat ng ruta ay kasama sa balik-pasada ng mga provincial bus.

Sa Lunes ay magkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga bus company upang mapag-usapan ang mga patakaran sa pagbabalik ng biyahe. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.