Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Provincial director ng PNP sa Cebu, sinibak

0 129

Tinanggal sa puwesto bilang director ng Cebu Provincial Police Office (PPO) si Police Col. Engelbert Soriano subalit nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ito ay hindi dahil kinampihan nito si Cebu Governor Gwen Garcia sa tanggal facemask sa probinsya.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ang pag-relieve kay Soriano bilang Provincial Director ng Cebu PPO ay para umano sa “Career advancement” at wala umanong kinalaman ang espekulasyon na ang pagtanggal dito ay dahil sa pagkampi nito sa kautusan ng gobernadora na pagtanggal ng facemask sa Cebu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ni Fajardo, alinsunod sa PNP Memorandum Circular 2022-002, ang posisyon ng Provincial Director, City Director o Chief of Police ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay dapat hawak ng isang koronel sa loob lang ng isang taon.

Ayon kay Fajardo, si Soriano ay naglingkod na sa kanyang pwesto ng mahigit isang taon. Panahon na rin aniya na mabigyan ng bagong pwesto ang opisyal para magkaroon din ng pagkakataon na umangat ang mga iba pang kuwalipikadong Police Commissioned Officers. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.