Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Proyekto ni Cascolan pinahinto ni Sinas

0 120

Pinatigil ni Philippine National Police chief General Debold Sinas ang localization program sa deployment ng kapulisan.

Ayon kay Sinas, hindi umano praktikal ang nasabing proyekto ngayong may pandemic at hindi rin umano ito angkop sa polisiya ng organisasyon.

“I already stopped it we have procedures on how to transfer. We have procedures kung paano transfer mga tao namin. Alam nila kung paano gagawin,” pahayag ni Sinas sa press briefing kahapon sa Camp Crame.

Matatandaang ang localization program ay sinimulan ni dating PNP chief Camilo Cascolan na nagretiro nitong Nobyembre.

Base sa konsepto ng programa, ang pulis na nakadestino sa kanyang lugar o malapit sa tinitirhan ay mas mababa ang tsansang gumawa ng pang-aabuso partikular ang paggawa ng iligal.

“We have procedures. We have the policy to follow in connection with re-assignment and we must observe it,” saad ni Sinas.

Hindi rin umano napapanahon ang nasabing programa ayon pa kay Sinas dahil kabilang ang kapulisan sa frontliner sa paglaban sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.