Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Proyekto sa Misamis isinumbong kay Villar

0 256

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing kapag may naamoy siyang anomalya, agad niyang ipasisibak ang mga opisyal na sangkot dito.

Kaya naman kapag may ‘Talk To the Nation’ si Pangulong Duterte, ibinabalandra niya ang pangalan ng mga opisyal na kinasuhan, sinuspinde at tinanggal dahil sa mga kinasasangkutang anomalya o kontrobersya.

Noong nakaraang taon, nabuwisit nang husto ang Pangulo sa mga naririnig niyang anomalya umano sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Sabi niya, ilang mambabatas at contractor ang nagsasabwatan para sa kickback ng kontrata.

Sa kabila nito, nilinis ng Pangulo ang pangalan ni DPWH Secretary Mark Villar dahil sa hindi raw ito gumagawa ng kalokohan sa kanyang trabaho, kundi ang mga nasa baba.

Kamakailan lamang, hiniling ng Sangguniang Panlalawigan ng Misamis Occidental kay Villar na imbestigahan ang umano’y unfair bidding practices ng DPWH provincial office.

Sa resolusyong inisyu noong Abril, hiniling ng provincial board kay Villar na imbestigahan ang bids and awards committee pati na ang mga miyembro ng technical working group hinggil sa posibleng paglabag sa batas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa privilege speech ni board member Ruvy Ala, tambak daw ang mga nakadududang bidding ng infrastructure project tulad na lamang ng road project sa munisipalidad ng Calamba, Concepcion at Lopez Jaena.

“With the generous discounts offered by other bidders, it is a wonder why the project was granted to a bidder who gives the least discount to the government,” ayon sa resolusyon.

Tinukoy rin sa resolusyon ang ginawang pagkuwestiyon ni Rep. Diego Ty hinggil sa mga contractor mula sa kabilang distrito na sumasawsaw sa mga proyekto sa unang distrito.

Ang mga contractor na ito, nag-aalok ng 20 percent hanggang sa 30percent na discount para lamang masungkit ang proyekto. Nangangamba tuloy si Rep. Ty na baka mahinang klase ang mga proyektong gagawin ng contractor na magiging mapanganib sa publiko.

Naniniwala tayong makikinig si Secretary Villar sa mga reklamong inaakyat sa kanyang tanggapan. Kung hindi niya aaksiyunan ito, magiging mantsa ito sa kanyang reputasyon.

Puwede rin naman niyang iparating sa Pangulo ang reklamo ng mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.