Abante Tonite Interactive

Proyektong tadtad ng pork bantay-sarado kay Lacson

By
212

Aminado si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na natalo sila sa botohan laban sa mga pork insertion sa 2019 natio­nal budget pero tiniyak nito na magpapatuloy ang kanyang krusada at mahigpit na babanta­yan ang pagpapatupad ng mga infrastructure project.

Sinabi ng senador na gagamitan ulit niya ng drone para malaman kung naipatutupad ba ang mga infrastructure project na siniksik sa 2019 national budget.

Ginawa na dati ito ng senador at ng kanyang mga staff noong nakaraang taon kung saan ay nagsagawa sila ng mga random drone flight sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ma-check ang mga ‘pork’ infrastructure project sa ilalim ng 2018 national budget.