Abante Tonite Interactive

PRRD dapat lang ipagmalaki ng bawat Pilipino saan mang bansa sila naroroon

By
22

Bihira akong huma­nga sa isang lider. Kaila­ngan ay may taglay siyang kakaibang kata­ngian na makikita ko na wala sa iba na nagdaan sa ating bansa ng tiga-anim na taon sa kanilang panu­nungkulan. Sa mga nagdaang administrasyon masasabi ko na napaka­rami ng naging kulang.

Una na rito ang problema sa krimen lalo na ang ugat ng lahat ng ito… ang droga.

Napakasarap lang na isipin na isang Rodrigo Roa Duterte lang pala ang hinihintay natin para kusang sumuko ang mga pusher, adik na mga ito. Sa tapang ng ating Pangulo na panindigan ang kampanyang ito ang dahilan din ng kanyang pagsasa­lita ng mga bagay na kahit sino ay walang karapatan na magbigay ng lecture sa kanya. Tama nga naman.

Walang bansa ang may higit na nakakaalam kung ano ang dapat at tama na­ting gawin para sa ikaaa­yos ng ating bansa. Kahit pa ang pinakamalalaki at maimpluwensyang bans­a sa ating mundo. Isang astiging mga pahayag ang binitawan ni PRRD para lamang maramdama­n ng bawat Pilipino kung anong klaseng bansa at liderato meron tayo ngayon.

Parang ang sarap lang sabihin at ipagmalaki sa ibang bansa na ang tingin sa ating mga Pilipino ay mabababa na iba na tayo ngayon. Nabibigyan tuloy ng dignidad lalo na ang ating mga kapa­milyang overseas Filipino worker (OFW) ang katapangan at malasakit ng ating pinuno sa ating bansa.

Kaya naman kahit hindi natin mga kalahi basta may nababasa na tungkol kay PRRD ay hindi rin mapigilang humanga.

Sa atin na lamang pagbabantay at madalas mahingan ng tulong ng ilan sa ating mga kapamilyang OFW sa ibang bansa. Isa sa dating mahirap na pagpapauwi sa ating bansa o repatriation kung hindi pa pakikialaman ng media ay tila napakabilis lang ngayon sa ating kasalukuyang administrasyon.

Kaya naman pala! Bakit noon ay pinatagal pa? Kaya hindi siguro OA kung magsasalita ng paulit-ulit ang ating mga kababayan na si PRRD lang pala ang makaka­gawa nito. Ilang taong paghihirap ng ilan sa ating mga kababayan abroad eh wala pa pala sa ika-100 days ng ating administrasyon ngayon.

Sa isang katulad ko na mamahayag na ang araw-araw na gawain ay rumesolba ng problema ng ating mga naaaping kababayan ay maipagmamalaki mo ta­laga ang kung ano ang nagagawa ngayon ng ating pamahalaan.