Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prusisyon pasaway sa health protocol, sinisilip

0 97

Pinaiimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nag-viral sa social media na paglabag sa health protocols kontra COVID-19 ng mga lumahok sa idinaos na prusisyon sa General Trias, Cavite nitong Linggo.

Batay sa video na ipinadala sa ABS-CBN News, ang mga taong sumama sa ‘karakol’, isang tradisyunal na religious procession tuwing pista sa Cavite, kung saan ay kabilang rin sa pagtitipon ang barangay chairperson ay makikitang naglalakad at nagsasayawan sa gitna ng ulan sa Arnaldo Highway sa Brgy. Santiago.

Sa viral video, nakitang magkakadikit ang ilan sa mga tao na pawang walang suot na face mask.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, itinuturing itong malaking paglabag dahil halos lahat ng ipinatutupad na minimum health standards ng pamahalaan ay nilabag ng mga lumahok sa nasabing prusisyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Lahat po ng minimum health standards ay viniolate… Nakakabahala po ito, and DILG will act immediately.”

Paglilinaw naman ni General Trias, Cavite Mayor Antonio Ferrer, walang pahintulot ang munisipyo sa nasabing pagtitipon at maging ang parokya sa prusisyon ay hindi umano inaprubahan ito.

Hinahanap na ang mga dumalo sa pagtitipon at inabisuhang mag-report sa city health office sakaling sumama ang pakiramdam. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.