Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Prutas konta virus

0 463

Wala pa ring bakuna kontra COVID-19. Kaya patuloy na dumarami ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit na ito. Umabot na sa higit 40,000 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa. Ang projection nga ng UP researchers, aabot ito sa 60,000 sa katapusan ng Hulyo. Huwag naman sana.

Sa ngayon, ang tangi lang nating magagawa – palakasin ang resistensiya para sakaling tamaan tayo ng sakit, may panlaban tayo. Ang pinakamabisa pa rin, ayon sa mga medical expert – ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain kabilang na ang prutas at gulay.

Sa totoo lang, may magandang benepisyo sa digestive system ang pagkain ng prutas at gulay araw-araw bilang bahagi ng regular diet. Ang hindi alam ng marami – kung mali o wala sa timing ang pagkain nito, maraming bitamina ang nasasayang lang sa halip na nagagamit ng ating katawan.

Alam kong marami sa atin ang ginagawang panghimagas o dessert ang prutas. Madalas itong isunod pagkatapos kumain ng tanghalian o hapunan. Sa mga carinderia nga, patok ang pagkain ng saging pagkatapos kumain ng kanin.

Ayon sa ilang medical experts, maaaring makapagdulot ng problema sa halip na benepisyo ang hindi wastong pagkain ng prutas.

Kapag isinabay o isinunod ang prutas sa iba pang pagkain, naiiwan ito nang matagal sa tiyan kasama ng ibang pagkain at posibleng mabulok pagdating sa bituka.

Kaya kung nakakaramdam ka nang parang hindi natunawan, dighay ng dighay, pangangasim ng sikmura at iba pang hindi magandang pakiramdam sa tiyan, ito’y maaaring bunga ng kombinasyon ng maling pagkain na iyong kinain.

Pinakamabisa raw kumain ng prutas tuwing umaga kung kailan wala pang laman ang iyong tiyan. Kapag kumain ng prutas na walang ibang laman ang tiyan, makukuha mo ang tamang nutrients nito. Maiiwasan din ang posibleng problema sa panunaw at mapupuno ng enerhiya ang iyong katawan.

Puwede ka rin namang kumain ng prutas sa kalagitnaan ng araw. Basta siguruhing inorasan mo ang huling kinain mo.

Kapag kumain ka ng pasta, burger o pizza na sinasabing mabigat sa tiyan, maghintay nang hanggang apat na oras bago kumain ng prutas. Kung light meal naman ang sinundan, normal nang maghintay ng dalawang oras bago kumain ng prutas para tiyak na tunaw na ang pagkain sa iyong tiyan.

Hindi rin advisable na kumain nito sa gabi kung kailan kailangan mo nang matulog kaagad dahil nagtataglay ng sugar ang prutas na nagpapasigla sa diwa at isip.

Ang sa akin lang, mahalagang alamin ang wastong alituntunin sa pagkain ng prutas para makasigurong makukuha natin ang lahat ng hatid nitong benepisyo at tiyak na may panlaban tayo sa nakamamatay na virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.