Abante Tonite Interactive

PSA Forum: Juico, Laurel mga panauhin

253

Pag-uusapan sa linguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes ng umaga sa Amelie Hotel-Manila sa Jorgo Bocobo, malate ang nalalapit na pagbubukas ng 7th Philippine SuperLiga Invitational 2019.

Dadalo sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila, at Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor sina PSL chairman Philip Ella Juico at president Dr. Adrian Laurel, mga coach, team manager at player ng eight competing squads.

Ang mga ito ay ang Petron, F2 Logistics, PLDT, Foton, Marinerang Pilipina, Generika-Ayala, Cignal at Sta. Lucia.

Mapapanood ito sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation livestream at eere rin sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 mula ala-1:00-alas-2:0) ng hapon at 6:30 ng gabi. (Janiel Abby Toralba)