Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vargas, Picson gigisahin ang boxing

0 312

Sina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Victorico ‘Ricky’ Vargas at secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson ang mga guest sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast ngayong Martes.

Tatalakayin ng current Philippine Basketball Association (PBA) Board chairman at dating pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Vargas, at ni Picson ang tsansa ng iba pang boksingero para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Hatid ng mga San Miguel Corporation, Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Smart, mapapanood ang weekly sports program ng live sa PSA Facookbook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 FB page.

Sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lang ang mga pasok na sa quadrennial sportsfest na nakatakda na sanang ganapin sa papasok na buwan, pero naurong sa Hulyo 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.