Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSA Law kaagapay sa pagbangon ng Pilipinas

0 438

Mahalagang papel ang gagampanan ng patas na kumpetisyon ng dayuhan at lokal na pamumuhunan sa mga sektor ng kuryente, telecom at ‘transport’ sa pagbangon ng bansa pagkatapos ng Covid pandemya.

Wawakasan din nito ang mahinang kalidad at sobrang mahal na serbisyo ng mga naturang sektor.

Ito ang pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means committee, kaugnay sa House Bill 78 na aamyenda sa dating Public Service Act (CA 146).

Layunin ng panukalang bagong Public Service Act (PSA) na pasado na noong Marso pa sa Kamara, na itaas ang kalidad ng serbisyo ngunit pababain ang singil ng mga ito, at lumikha ng higit na maraming trabaho sa bansa para sa mda Pilipino.

Aamyendahan ng HB 78 ang Commonwealth Act No. 146, at liliwanagin nito ang kaibhan ng “public service” sa “public utility” na malimit ay pinagpapalit-palit. Nililimitahan ng 1987 Constitution ang pag-aari at pagpapatakbo ng mga “public utility” sa mga Pilipino lamang, at hanggang 40% lamang ang maaaring hawakan ng mga dayuhan, ngunit dahil madali itong ipasaklaw sa “public services,” nananaig ang mga monopolya at nahihirapan ang mga karaniwang Pinoy, ayon kay Salceda sa kanyang ‘aide memoire.’

Malakas na suportado ang HB 78 ng maraming sektor, kasama si Socio-economic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua, na nagsabing ang panukalang bagong PSA Law “ay magiging susi para mahuli ng Pilipinas ang maraming dayuhang puhunan pagkatapos ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.