Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSA: Presyo ng baboy piso ibinaba

0 218

Bahagya lamang ang ibinaba ng presyo ng baboy sa Metro Manila at bahagya lang din ang tinaas ng presyo nito sa labas ng National Capital Region.

Ayon kay Undersecretary Dennis Mapa ng Philippine Statistics Authority (PSA), hindi pa ramdam ang epekto ng pagbagsak ng taripa sa baboy na iniutos ng Malacañang noong Marso.

Sabi ni Mapa, piso lamang ang ibinaba ng presyo ng baboy sa Metro Manila. Noong Abril, ang average na presyo ng baboy per kilo ay P360 at nasa P359 per kilo ito nitong Mayo.

Sa labas ng Metro Manila, P330 per kilo ang baboy nitong Mayo mula sa P325 per kilo noong Abril. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.