Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSA: Presyo ng bilihin nagmahal sa taas pasahe

0 358

Umakyat ang inflation rate o ang bilis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin sa 2.7% nitong buwan ng Hulyo mula sa 2.5% na naitala noong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinusukat ng inflation rate ang pagmahal ng lahat ng gastusin mula sa pagkain tulad ng bigas, gulay, karne at itlog pati na kuryente, tubig, load sa cellphone, upa sa bahay hanggang sa pamasahe, pagpapagupit ng buhok at pagpapaayos ng bahay.

Sinisi ni National Statistician Dennis Mapa ang pagtaas ng inflation sa pagmahal ng pamasahe.

“Ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation sa buwan ng Hulyo 2020 ay ang mas mabilis na paggalaw ng presyo ng transportasyon,” ani Mapa. “Ito ay sanhi ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pamasahe sa tricycle na nagtala ng 33.9% inflation nitong Hulyo 2020 mula 26.8% noong Hunyo 2020.”

Aniya, tumaas din ang pamasahe sa eroplano at sa barko ng 12.6% at 27.7%.

Sabi ni Mapa, tinulak din ng upa, tubig, kuryente at gas at iba pang panggatong ang inflation nung Hulyo. Nagmahal kasi ang presyo ng LPG nung nakaraang buwan.

Gayunpaman, pasok pa rin ang inflation rate sa target ng pamahalaan na 2 to 4% ngayong taon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.