Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSA sinita sa national ID

0 100

Hindi pabor ang ilang netizen sa plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maglunsad ng printable version ng national ID dahil gusto ng papasok na administrasyon na mabigyan nito ang karamihan ng mga Pilipino sa katapusan ng taon.

Una rito, inanunsiyo ni PSA National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa na kasalukuyang tinatrabaho ng ahensiya na madagdagan ang produksiyon ng mga national ID na iniimprenta sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ilulunsad din umano nila ang printable version nito na puwedeng iimprenta na lang sa mga PSA registration center upang madagdagan pa ang mga nagpaparehistro para mabigyan ng national ID.

Pinuna naman ito ng mga netizen dahil sa pangamba na baka kumalat ang mga pekeng national ID.

Samantala, kinalampag naman ni Senador Grace Poe ang PSA na solusyonan ang pagkaantala sa pag-iimprenta at paghahatid ng national ID sa mga nagparehistro.

Ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services, hindi katanggap-tanggap ang paghihintay ng anim na buwan hanggang isang taon para makuha ang national ID. (Issa Santiago/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.