Abante Tonite Interactive

PSC aayuda sa Batangas

581

Magkakaroon ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang komprehensibong programa para sa grassroots development at sa mga national elite athlete.

Ito ang buod na mensahe ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa simpleng pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng PSC Biyernes ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

“Hindi na kami nag-imbita ng mga dating chairman dahil ganito kasimple namin gusto i-celelebrate ang 30th anniversary at kahit na isang milestone ito, ganito talaga ang gusto namin mangyari na maging modelo kami ng kasimplehan pero nakakatulong sa mas maraming tao,” esplika ni Ramirez.

Dinagdag niya, na ayos na ang plano ng ahensiya sa buong taon kung saan makakatulong ang Philippine Sports Institute (PSI) sa pagpapatupad ng iba’t ibang aktibidad na pasisimulan ng Sports Summit sa Pebrero 27-28 at ang pag-asiste sa pagbangon ng Batangas mula sa pagsabog ng Bulkang Taal. (Lito Oredo)