Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC alerto sa Olympic gold

0 220

Kahit may pandemic patuloy na inihahanda ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga training protocol sa pakikipagpulong sa mga National Sports Association (NSA) sa asam na tuluyang masungkit ang unang medalyang ginto ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Simula ng magbalik si PSC Chairman William Ramirez noong Lunes, walang patid ang pakikipagdiskusyon niya sa mga NSA leader para sa inaasam na pagbabalik pagsasanay at ipatutupad na guidelines para sa mga 2021 Tokyo Olympic qualifier at hopeful.

Sinimulan ng health professionals mula sa PSC-MSAS (Medical Scientific Athletes Services) unit ang miting noong Hulyo 21 para sa updated protocol at minimum health standards sa training venues sa bawat NSA. Isasagawa ang pulong hanggang ika-29 ng buwan.

“The PSC recognizes that our Olympic hopefuls need to maintain momentum and they do that by going back to focused training,” paliwanag ni PSC-Philippine Sports Institute (PSI) National Training Director Marc Edward Velasco.

Kinatawan ni Secretary-General Edwin Gastanes ang Philippine Olympic Committee (POC) sa pulong kay Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Secretary-General Edgar Genaro Picson, Philippine Fencing Association (PFA) President Richard Gomez, at Secretary-General Jercyl Lerin ng Philippine Rowing Association (PRA), at iba pa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.