Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC binira ng mga magulang ni Eala

0 258

BINANATAN ng mga magulang ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang pabida ng Philippine Sports Commission (PSC) hinggil sa pagbati sa 15-anyos na netter, na umabot sa semifinal round ng girls singles event ng 2020 French Open sa Paris, France.

Matapos kasi ang magandang kampanya ni Alex sa French Open ay agad din itong binati ng PSC kasabay ng anila’y pag-abot nila ng P3M na suporta sa dalagitang atleta.

Agad namang kinontra ng ama ng tennis star na si Michael Francis ‘Mike’ Eala ang papogi ng PSC dahil ni isang singkong duling umano ay wala silang natanggap.

“In the wake of a great run of Alex at Roland Garros, the French Open, it is sad to see that agencies claim to support athletes with millions of pesos in spite of not having given a single centavo yet,” ayon sa FB post ng tatay ni Alex.

Related Posts

“Just to clarify, PSC has mentioned that they will support Alex, but we haven’t received any amount yet.”

Maging ang nanay ng atleta na si Rizza Maniego-Eala ay pumalag sa post ng PSC.

“For the record, we have NOT received ANY of the funds in the millions of pesos mentioned here in this post,” pagdidiin nito.

Sa ngayon ay burado na ang nasabing FB post ng PSC. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.