Abante Tonite Interactive

PSC Davao Children’s Games 2019 dinagsa

133

Nasa 120 katao ang mga umakyat ng bundok upang makasali sa Happiness ­Project Mindanao na hinandog ng ­Philippine Sports Commisssion (PSC) Sports for Peace ­Children’s Game 2019 sa Tawantawan covered court sa Baguio District Davao City nitong Sabado, September 14.

Kalakip sa proyekto ang tree planting activity na malapit sa Panigan River bago magsimula ang Larong Pinoy para sa mga kabataan.

“Children from the outskirts of ­Barangay Tawantawan were fetched because it was hard for them to come to the barrio ­center. They wade through rivers, climbed ­mountains, rode precariously in trunks and walked kilometers of dirt road to be at the ­multi-purpose gym,” litanya ni PSC ­Mindanao cluster head Ed Fernandez.

Ang Tawantawan ay isang remote ­barangay sa ikatlong distrito ng Davao na may 80 porsyento ng mga indigenous people gaya na ng mga Manobo.

Dumayo rin ang Davao Children’s Games sa New Bataan, Compostela Valley na may 200 katao ang mga sumali, habang sa Malita, Davao Occidental naman ay nasa 250 ang mga nakiisa.

Plano naman sadyain ng programa ang Agdao, Davao City sa September 28 habang sa September 27 at 28 naman sa Maragusan, Compostela Valley. (Aivan Denzel Episcope)