Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC gamay ang pandemya

0 133

Nakapag-adjust na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa harap nang mahigit limang buwang may pandemiya sa bansa, tumatakbo sa araw-araw na operasyon sa kabila rin na may karampot na budget.

Kaya nagpatupad ang ahensya nang paghihigpit sa sinturon, tampok ang may 50% kaltas sa monthly allowances ng national athletes at coaches.

SM food to go Banner Ad

Pero sa kabila ng suliranin sa pinansiyal, inihayag nitong Martes ni PSC Chairman William Ramirez na patuloy tatanggap ng allowances ang mga atleta’t coach, at maibabalik ang regular allowances kapag nagbigay na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) monthly remittances sa kanila ng halos P100M.

Inihayag din niya sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online version na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, Milo, PAGCOR, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Smart at Upstream Media, na walang mawawalan ng trabaho sa may 500 kawani ng PSC (tig-250 regular at casual).

“We in the PSC board made a collective decision that it will not happen. We will not remove anyone from the PSC unless there is cause. We are in very difficult times,” ani Ramirez. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.