Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC inaareglo si EJ, Patafa

0 29

Magpapadala si Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez ng ‘Mediation Submission Agreement’ ngayong hapon kina Tokyo Oympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella ‘Popoy’ Juico upang maresolba ang gusot sa dalawang kampo.

Inaasahan ni Ramirez na pipirmahan ng dalawang panig ang kasunduan. So oras na malagdaan ito, magkakaroon ng mediation processna alternative dispute resolution (ADR) para mabilis na matulungan at maayos agad hidwaan ng isa’t isa sa pamamagitan ng mediator.

“The role of the mediator is merely to facilitate communication, identify issues and help the parties arrive at a settlement. My role as mediator is not to decide who is right or wrong. We are after a win-win solution for both sides. The goal is to preserve relationships of the disputing parties,” ani Ramires Huwebes.

Nag-aala ang opisyal na mag-isa lang sa Italy si Obiena at sa kalusugan naman ni Juico. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.