Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC inayuda 500 laptop vs COVID

0 194

Muling ipinakita ng Philippine Sports Commission (PSC) ang all-out support sa mga government program kontra COVID-19 nang mamigay ng mahigit na 500 laptop sa iba’-ibang workforce s na tanggapan ng pamahalaan sa pangunguna ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease.

Ang Office of the President-Presidential Management Staff (PMS) sa tulong ni Assistant Secretary Joseph Encabo ang tatanggap ng 300 laptops at dagdag na 100 para sa COVID-19 technical working group ni IATF Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Makakatanggap din ng ilang unit ang programa ni Sen. Christopher Lawrence Go na Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2).

Ayon kahapon kay PSC Chief of Staff at Philippine Sports institute (PS) National Training Director Marc Edward Velasco, inaprubahan ng PSC board ang pagbibigay ng laptops dahil sa pagpapasaklolo ng mga naturang opisina.

“These are units used during the country’s hosting of the Southeast Asian Games last year, they will be put to good use with these donations,” aniya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.