Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC kumpiyansa sa Team PH

0 435

Kahit ang pinakamagagaling ay natatalo pa rin.

Ito ang mensahe Linggo ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga Pilipinong atleta na nakalasap ng kabiguan sa pagpapatuloy ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Nasipa agad sina taekwondo jin Kurt Bryan Barbosa at Fil-American swimmer Remedy Rule nitong Sabado, habang nabigo rin sa naturang araw si world men’s artistic gymnast floor exercise champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo nitong Sabado, na isa sa inaasahang makaka-gold sa nasabing discipline, pero nag-finals sa vault.

“Si Caloy, first-time sa Olympics. I got to talk to him before his vault competition. Sabi ko sa kanya na ‘wag na siya masyadong mag-worry kasi it really happens,” wika ng opisyal, habang tinuro ang Japanese legend at two-time Olympic champion na si King Kohei Uchimura, na bumagsak sa horizontal bar at hindi nakausad sa men’s gymnastics qualifying.

“Kahit ‘yung Japanese two-time world champion, natalo, nahulog sa bar,” ani Ramirez. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.