Abante Tonite Interactive

PSC Laro’t Saya Zumbathon gigiling

By
62

Itinakda ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN Sports for Free ang araw ng Disyembre 15 at 16 bilang mga partikular na petsa para sa tradisyunal nitong isinasagawa kada taong Zumbathon sa Quezon City Memorial Circle, Pinaglabanan Shrine sa City of San Juan at sa Burnham Green ng Luneta Park.

Sinabi ni PSC LSP Coordinator Julia ‘Dhole’ Llanto na ang buong taong programa para sa physical fitness pati na sa community grassroots sports development ay isasagawa ang Zumbathon sa umaga ng Disyembre 15 sa QC Memorial Circle bago sundan sa hapon sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan.

Ang huling aktibidad ng programang nakatuon sa family bonding, leisure exercise at basic knowhow ng iba’t ibang sports ay isasagawa naman sa Disyembre 16 sa Burnham Green kung saan gaganapin din ang isang araw na torneo sa badminton.

Una nang ipinakita ng mga avid supporter at madalas sumali ang kanilang buong suporta sa family-oriented at community physical fitness program kada Sabado at Linggo sa pagseselebra ng Halloween.

Kasama ang mga senior citizen na sumali sa aktibidad para sa kalusugan at wellness pati na para sa kabataan, magulang at ilang mahihilig sa paglalaro ay masayang nakisali para programa ng gobyerno na kabilang sa Sports For All program at mass-based development.