Abante Tonite
Mabilis sa Balita

El Presidente maghihigpit PSC 5 taon na-scam

0 238

Agad pinag-utos ni Philippine Sports Commission (PSC) Officer-in-Charge at Commissioner Ramon Fernandez ang matinding paghihigpit sa proseso ng payroll hindi lang sa mga national athlete at coach kundi sa lahat ng transaksiyon.

Pinahayag kahapon ng opisyal na natutunan ng ahensiya na dapat may seguridad at metikolosong pagbabantay sa mga proseso ng pagbibigay ng allowances sa athletes at coaches gayundin sa mga empleyado matapos ang nabuking na anomalya sa payroll padding ng isang empleyado kamakalawa.

“That’s a lesson we learned today, to have a thorough internal audit of our employees. Initially kasi, we have our Accounting Office that should be looking into the process. But now, kailangan namin gumawa ng bagong sistema,” sabini Fernandez kasama sina National Bureau of Investigation (NBA) Deputy Director Vicente De Guzman III at Special Action Unit chief Emeterio Dongallo Jr.

Ibinisto naman ni De Guzman na noong 2015 pa ang kabulastugan ni Paul Michael Padua Ignacio na nakadetine na sa NBI kung saan ang malalaking transaksiyon nito sa Land Bank of the Philippines (LBP) ang nagpaalarma sa bangko..

“The PSC assisted us in finding out the violations done and we’ll dig deeper. We initially fine charges for falsification of public documents and qualified theft. This is a capital offense and non-bailable,” bigkas naman ni Dongallo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.