Abante Tonite Interactive

PSC mas maraming Pinay coach sa 2020 — Kiram

287

Palalawakin ni Philippine Sports Commission Oversight Commissioner for Women Fatima Celia Kiram ang pagtuklas ng mga Pilipina coaches sa planong susunod na taong Women in Sports Conference sa bansa.

Ang nasabing gawain ay nakatakdang suportahan ni Australia-based Pinay coach Patricia Puzon ayon sa anunsyo ni Comm. Kiram nitong Huwebes sa wakas ng isang linggong Women in Sports Coaching Seminar sa Century Park Hotel sa Malate, Manila.

“We want to reach and help more Pilipina coaches. We at the Philippine Sports Commission are more than willing to do so,” pahayag ni Kiram.
“PSC Chairman William Ramirez and I envision a larger program for our women. Hence, we are starting to plan a confe­rence for next year,” panapos ni Kiram.

Laking pasasalamat naman ni Puzon na ngayon ay head coach ng MAC’s CrankIt Tennis Academy (MCTA) Sa New South Wales sa Down Under. “I am very thankful to the PSC for having this initiative for the betterment of our women in sports. I am excited for this development.”

Nagsimula ang seminar nitong Lunes na dinaluhan ng 150 national coaches, trainers, at local government sports representative upang matutunan ang mga batayan at pakikipagdayalogo ng isang coach sa mga atleta. (Aivan Episcope)