Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC may P2.1M ayuda sa PCSO

0 210

Pinagkalooban ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2,145,110.47 na remittance ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isang simpleng seremonya sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City Martes.

Iniabot nina PCSO Private Secretary 2 Marie Louise Serojales at Account Specialist Joseph Porto ang tseke kay PSC Cashier Marini Negado para sa unang remittance ngayong taon.

“Ang PCSO ay kaagapay ng gobyerno para magbigay tulong sa buong Pilipinas. Despite the pandemic, we are mandated to give our contributions, especially to the PSC,” sambit ni Serojales.

Tumugon naman si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez: “We are grateful for the unending support of PCSO to our sports programs. Our vision won’t be possible without support from agencies like them. Malaking tulong po ito para lalo naming mapagbuti ang aming mga programa. Maraming salamat po.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.