Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC nagpahiram ng 100 laptop sa IATF

0 235

Minsan pa, hindi nagkait ng tulong ang Philippine Sports Commission (PSC) nang pahiram ng 100 laptops ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa pagtatala ng mga ito ng datos na mga isinasailalim sa testing sa mga airport at mega swabbing facility.

Ayon kahapon kay PSC Commissioner at Office-in-Charge Ramon Fernandez, inaprubahan ng ahensiya ang request ni IATF-EID Deputy chief implementor Vince Dizon na makahiram ng 100 laptops ang National Task Force on COVID-19 para sa mga dumarating na OFWS at iba’t-iba pa na posibleng maging carrier ng nakamamatay na sakit.

Ang 1mga laptop parte sa 500 laptop na ginamit ng Philippine SEA Games Organizing Committee o PhilSOC sa pagho-host ng bansa sa nakaraang taong 30th Southeast Asian Games.

Ikinatuwa naman ni Fernandez na ang dalawang batch ng empleyado na dumaan sa test ng Philippine Red Cross ay mga negatibo lahat sa coronavirus.

Dumating sa Maynila mula Cebu noong Lunes, sumailalim din sa RT-PCR testing noong Huwebes si Fernandez kasabay ang mga Para athlete, boxer at fencer bago ang 2-week quarantine. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.