Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC pasaklolo kay SolGen sa payroll scam

0 261

RP

Nagpatulong na ang Philippine Sports Commission sa Solicitor General para mapanagot ang kanilang empleyado na kumamal ng abot sa P14 million.

Ayon sa liham ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Office of the Solicitor General, nais nilang makuha ang mga asset at property ni Paul Michael Ignacio matapos itong masangkot sa scam kung saan nililipat niya sa kanyang bank account ang mga sweldo para sana sa mga atleta at coach.

Related Posts

Inaresto na si Ignacio ng NBI sa mismong opisina nito sa PSC matapos matanggap ang reklamo hinggil sa modus ng empleyado.

Samantala, kaagad na umaksyon ang PSC para masaayos ang kanilang auditing process at hindi na malusutan ng scam.

“We need fresh eyes to take a look at our processes and seek out areas that need to be strengthened,” ayon kay Ramirez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.