Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC pasaklolo sa SolGen mandarambong yari!

0 204

Agad sinulatan ni Philippine Sports Commission (PSC) ang Office of the Solicitor General (OSG) upang mapigilan at mabilis na mabawi ang pondo ng pamahalaan na ninakaw ng isang casual employee pamamagitan ng payroll padding.

Hindi nag-aksaya ng panahon sa kanyang pagbabalik kamakalawa matapos ang isang buwang leave sa pag-asikaso sa nagkasakit na asawa si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa paghingi mismo ng tulong kay Solicitor General Jose Calida laban sa suspek na si Paul Michael Padua Ignacio ng Personnel Department na umano’y nakapagtakbo na ng P14M sa limang taon.

“We need all the help we can get to get to the bottom of this and make every effort that nothing of this sort ever happens again,” giit ni Ramirez, na ura-urada ring nakipag-ugnayan sa PSC Executive Board upang malutas ang nakawan.

Nasa liham ng sports chief kay Calida: “Assistance in instituting proper proceedings relative to the complaint filed against Paul Michael Ignacio” including garnishment of all real or personal property and the reversion of these back to the government.”

Arestado noong Hulyo 14 si Ignacio ng mga ahente at agad dinala sa National Bureau of Investigation (NBI) base sa suplong ni PSC Executive Director Merlita Ibay dahil sa nadiskubreng anomalya sa pamemeke sa payroll para sa monthly allowances ng national athletes at coaches. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.