Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC patas kina Obiena, Juico

0 88

Ipinahayag ng Philippine Sports Commission na parehong may mga obligasyon sa gobyerno at sa sambayanan sina 2020+1 Tokyo Olympian pole vaulter Ernesto John ‘EJ’ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Ella ‘Popoy’ Juico upang magtulungang lutasin ang ‘di pgkakaunawaan para sa kabutihan ng lahat.

“The parties owe it to the government and the Filipino people to resolve the issues amicably. A failed mediation will be detrimental to both parties,” bulalas Lunes ni PSC Chairman Butch Ramirez, dinagdag na walang kinakampihan ang tanggapan niya.

SM food to go Banner Ad

Nadidiyahi rin ang opisyal dahil umabot na rin ang isyu sa atensiyon ng international sports community kung saan nalagay ang Philippine sports sa masamang imahe.

“As an elder of the Philippine sports community, I am asking them to submit to mediation for their mutual benefit,” sey pa ni Ramirez habang giniit na bilang chairman ng sports agency tungkulin niyang umaksiyon upang resolbahan ang isyu. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.