Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC tuloy ang tulong sa IATF

0 232

Ipinakita ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni William “Butch” Ramirez ang kanilang suporta sa gobyerno para sa COVID-19 nang ipagamit ang Rizal Baseball Stadium ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila para sa mga locally stranded individual (LSI).

Ayon sa opisyal, malaking tulong ang pagpapagamit ng baseball stadium para sa mga tutuluyan ng halos 9,000 LSI bago ihatid sa kani-kanilang mga probinsya.

Nauna ng ipinahiram ng sports agency para sa mga COVID-19 patient ang Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium ng RMSC din pati ang Philsports Arena sa Pasig.

Nagkaloob din ang PSC ng 500 laptops para sa workforce ng pamahalaan, kasama rito ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Hinayag ni Ramirez na lahat ay gagawin nila upang makatulong sa gobyerno laban sa pandemic. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.