Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PSC webinar sa mga para athlete

0 219

Nagdaos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng isang linggong webinar para sa mga national para-athlete at coach bilang selebrasyon sa National Council on Disability Affairs’ (NCDA) 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation 2020.

Tinawag ding “Para sa PARA-Athletes: Isang Selebrasyon ng Pagpupugay at Pasasalamat sa mga Natatanging Pilipino Para-Athletes,” nakatambal ng PSC Sports Rehabilitation Unit ang Philippine Paralympic Committee (PPC) sa serye ng online seminars para sa mga differently-abled player.

“Our goal is to raise social media awareness about para-sports, para-athletes and persons with disabilities, and recognize their achievements for the country,” bulalas kahapon ni PSC SRU officer-in-charge Rico Barin.

Pinasalamatan naman ni PPC President Michael Barreto at Secretary General Walter Torres sina PSC Chairman William Ramirez at Barin para sa programa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.